Bilang ng mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill sa Bataan, umabot na sa 21 – NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa oil spill sa Limay, Bataan dulot ng paglubog ng MT Terra Nova.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council, lahat ng 12 lugar kabilang ang 11 munisipyo at lungsod sa Bataan ang nagdeklara ng state of calamity.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, 7 munisipyo at 2 siyudad sa Cavite ang nagdeklara rin ng State of Calmity kabilang ang Bacoor City , Cavite City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Nananatili naman sa 25, 145 ang bilang ng mga mangingisdang apektado ng oil spill partikular sa Cavite.

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ngbtulong sa mga apektadong mangingisda.