Mga telecommunications company muling kinall-out ng City Government ng Naga, hinggil sa mga napabayaang mga kable

NAGA CITY – Nagdala ng pangamba at delikado para sa mga dumadaan, motorista at sa mga tao, ang mga nakalaylay na mga kable ng ilang telecommunications company sa lungsod ng Naga, matapos na mapabayaan partikular sa Panganiban Drive.

Sa panayam kay City Councilor, Omar Buenafe, Committee Chair on Public Utilities, muling kinall-out nito ang mga telecommunications company na may responsibildad na i-check o iinspeksyon ang kanilang mga linya upang hindi makapangperwesyo lalo na’t ilan rin ang naitala sa lungsod na dahil sa mga kable, may mga naaaksidente.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Ayon pa sa opisyal, muli silang nakikipag-koordinate sa opisina ng Alkalde at sa City Public Safety Office lalo na’t nagpapatuloy ang clearing operations at may mga wire o kable pang natira.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, posibleng maging pilot area ang Barangay Balatas, sa patuloy na prinoprosesong ordinansang Under Ground Cabling sa lungsod.