7-katao, patay matapos tamaan ng dengue sa Bicol

BNFM Bicol-KINUMPIRMA ng Department  of Health na umabot na sa  7 ang kabuoang bilang ng mga namatay sa sakit na Dengue sa rehiyong Bicol  simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Sa datos na ito makikita na ang Sorsogon ang may pinakamaraming namatay na mayroong 3, Cataanduanes na may 2, habang tig-isa naman ang Camarines Sur  at sa lungsod ng Legazpi sa Albay.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon, umabot na sa 715 ang kaso ng mga tinamaan ng sakit na Dengue sa buong rehiyon ng Bicol batay sa monitoringng Department of Health (DOH) Bicol.

Read More:  ₱700K worth of unregistered Korean luncheon meat seized in Cebu City

Kaya payo ng departamento na sumunod sa mga ipinapatupad na mga hakbang kontra sa sakit para tuluyan nang mapababa ang bilang ng mga nahahawa sa naturang sakit. ### KENNETH BERMIL