‘Unity walk’ ng mga pro-Modenization, lumarga na

Aabot sa 5,000 hanggang 10,000 driver ang inaasahang makikilahok na tsuper at kooperatiba sa unity walk ngayong araw, bilang pag-protesta sa resolution ng Senado sa pagpapa suspinde ng Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).

Bagama’t inulan kaninang madaling araw, sinimulan ang protesta ng mga grupong suportado ang PUVMP sa Mabuhay Welcome Rotanda sa Quezon City kaninang alas-6 ng umaga.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Ayon sa Kooperatiba at Korporasyon ng Alyansang Pilipino para sa Modernisasyon (AKKAP MO) convenor na si Ed Comia, magkakaroon din ng sabay-sabay na protesta sa ibang bahagi ng bansa, partikular na sa Cagayan de Oro at Cebu.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Samantala, magbibigay naman ang Philippine National Police ng parehong seguridad at tulong sa mga maapektuhang komyuter ngayong araw.

Bukod sa PNP, magpapakalat ng mga libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at pati na rin ang grupon MANIBELA.