PNP: Guo, nasa bansa pa

Nilinaw ng Philippine National Police na wala pang indikasyon o balita na nakalabas na ng Pilipinas si suspended Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi pa rin aniya nakakalabas ng bansa ang mga kasamahan ni Guo na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Nagbabala rin ang PNP na mahaharap sa kaso ang mga tumulong na itago si Guo at ang mga kapwa nito akusado.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mababatid na naglabas ng arrest order ang Senado laban kay Guo matapos nitong hindi daluhan ang mga pagdinig hinggil sa ni-raid na POGO hub sa Bamban Tarlac.