Kontaminadong inuming tubig, pinaniniwalaang dahilan ng pagkalat ng kaso ng diarrhea sa Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Sinususpetsahan ng Albay Provincial Health Office na kontaminadong inuming tubig ang dahilan ng pagkakaroon o pagdami ng mga kaso ng diarrhea sa bayan ng Bacacay, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa head ng Provincial Sanitation Team Rural Sanitation Inspector Anthony Ludovice, sinabi niya na ingestion o pagkain ng mga kontaminadong pagkain at pag-inom ng kontraminadong tubig ang maaaring dahilan ng diarrhea.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Pero sa mga kaso sa nasabing bayan, posibleng kontaminadong tubig ang pinagmulan nito. Sa report umano kasi sakanila ng Rural Health Midwife, mayroong water pump at balon na posibleng kinukunan ng tubig.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Sa ngayon ay kontrolado na ang mga kaso sa nasabing bayan. Ayon kay Ludovice, nakapagsagawa na rin sila ng water sampling sa lugar at hinihintay na lamang nila ang resulta nito.