Pedestrian Lane sa tapat ng Naguilian Nat’l High School, pinatatanggal

Nakipagpulong si Public Order and Safety Officer Kim Patrick Go Agbayani kay DPWH 3rd District Engineering Office DE Adonis Asis para sa pagtatangal ng pedestrian lane sa tapat ng Naguilian National High School.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Ito ay upang mas mahikayat ang mga estudyante na gamitin ang footbridge na ipinatayo para sa kanila.

Ayon pa sa Public Safety Office, naglalayon din ito na isulong ang civilian at motorist safety sapagkat ang naturang pedestrian lane ay nasa national highway.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Kaugnay nito, nagkaroon na rin ng site inspection sina POSO Agbayani at PMaj. Ferdinand Datul ng Naguilian MPS sa nabanggit na lugar. #| Vincent Espedilla