Mag-live-in partner, pinagbabaril-patay ng hindi pa nakikilalang suspek

Patay ang dalawang indibidwal matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Bignay 1, Sariaya, Quezon nitong Martes, Hulyo 30.

Ayon sa report, nakasakay umano ang mga biktimang sina alyas “Michelle” at alyas “Limuel” sa kanilang tricycle nang makailang beses na pinagbabaril ang mga ito.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Dead on the spot ang mga biktima habang ang suspek naman ay agad na tumakas.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.