Road connectivity at baha napag-usapan sa MNDC

NAGA CITY – Bago pa man uminit ang isyu politikal sa 3rd district ng Camarines Sur nagkaroon pa ng ilang pagme meeting ang mga alkalde sa mga bayan na sakop ng distrito at kanilang pinag-usapan ang mga isyu at mga posibleng solusyon sa mga problema sa mga kalsada at mga pagbabaha.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Mayor Son Legacion na siyang chairman ng Metro Naga Development Council ,sinabi niyang lahat silang mga local executives ay prayoridad ang road connectivity na sa tingin nila higit na mahalaga para sa mas madaliang transportasyon ng magkakatabing –bayan.

Pagdating naman anya sa isyu ng pagbabaha, sinabi ni Legacion na problema ito hindi lang ng Naga City kundi pati na rin ng iba pang mga bayan tulad ng Bombon, Calabanga at Magarao, kaya may kanya-kanya silang mga flood control projects na ipinatupad na kung saan may matinong prohekto at may kuwestyonable patunay ang pagbabaha pa rin sa mga nabanggit ng mga lugar.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon