Rep. Pulong Duterte – wi-nelcome pa ang kaso sa kaniya ni Trillanes

Inilarawan ni Davao City first district Rep. Paolo Duterte bilang isang ‘welcome development’ ang drug smuggling case na inihain ni former Sen. Sonny Trillanes laban sa kanya.

Ayon kay Duterte, mas magandang nangyari ito dahil sa Korte ng Pilipinas ang pagdinig, at hindi sa korte ng Facebook.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Sa pamamagitan aniya ng ‘move’ na ito, mapahihintulutan siyang tugunan ang mga akusasyon sa pamamagitan ng angkop at legal na mga channels.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Dahil umano kasi rito – mananaig ang katotohanan.

Sa huli, binigyang-diin ni Duterte na mahalagang mag-rely sa mga legal institutions kaysa sa trial by publicity o mga walang batayang alegasyon.