Ilang bayan sa Cavite – isinailalim na sa state of calamity dahil sa oil spill

Nagdeklara na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ng state of calamity sa ilang mga lungsod ang munisipalidad dito dahil sa epekto ng oil spill.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, nasa ilalim na ng state of calamity ang Lungsod ng Bacoor, at mg abayan ng Kawit, Novelata, Rosario, Tanza, Naic at Maragondon.

Read More:  PAF FA-50 develops minor generator-related issue while returning from Indonesia

Sa social media post ng gobernador – ipinakita niyang nakarating na sa baybayin ng naturang mga areas ang oil spill mula sa lumubog na mga tanker sa bahagi ng Bataan.

Ipatutupad na rin ang ‘no-catch zone’ para sa mga shellfish sa Lalawigan.

Read More:  ‘Hindi puwedeng nagkukuya-kuyakoy lang tayo,’ Malacañang says after ‘sea of trash’ emerges

Ibig-sabihin, bawal na muna ang panghuhuli ng mga tahong, alimasag, alimango, at halaan.

Sa ngayon, pinaghahandaan na raw nila ang relief operations para sa nasa 25,000 mga mangingisdang apektado ng oil spill.