Namamasadang E-Trike at E-Bike, sakit ng ulo pa rin sa Naga City  

NAGA CITY – Konsumido na ang mga traffic enforcers sa Naga City sa mga pasaway na driver ng E-Trike at E-Bike na namamasada at naghahatid ng mga pasaherong estudyante sa mga paaralan at kolehiyo sa lungsod ngayong pasukan.

Sa patuloy na pag obserba nina Boboy Hernandez, Chairman ng Naga City Bicycle Board, ang mga sasakyang ito ang kabilang sa nagdudulot ng abalang takbo ng mga sasakyan dahil sa hindi ang mga ito sumusunod sa tamang direksyon ng daloy ng trapiko, ayon sa mga napagkasunduan at nakapaloob sa City Ordinansa.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  
Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Ayon kay Hernandez, sa naging pahayag niya sa Brigada News FM Naga, bawal pumasok sa lungsod ang mga E-Trike at E-Bike kung magpi-pick up ito ng pasahero, dapat anya pang personal na gamit lamang ito ng may-ari, maghatid sundo ng kanilang mga anak na nag-aaral sa lungsod.