Barangay Kagawad na papunta sa ospital, naaksidente-patay sa Ragay, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Hindi na umabot pa sa ospital ang 63-anyos na Barangay Kagawad matapos na maaksidente sa Ragay, Camarines Sur.

Napag-alaman  ng Brigada News FM Naga sa Ragay PNP na nanonood ng basketball sa Colacling Lupi ang biktima biglang sumama ang pakiramdam nito; nakaranas ng hirap sa paghinga dahil sa hika at hypertension  dahilan upang sumakay ng kaniyang motorsiklo papunta sa Ragay District Hospital kasama ang 15-anyos na binatilyo. Subalit sa kasamaang palad, naaksidente ang motor, nahulog sa mababaw na bangin sa tabi ng kalsada sa Barangay Agrupasyon Ragay ala-una ng madaling araw nitong Sabado Hulyo 27, 2024.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nawalan ng malay ang backrider dahil sa tinamong tama sa mukha at nang magising hinanap ang naturang biktima, hindi pa ito nakita kaagad dahil madilim at hindi rin kabisado ang lugar hanggang sa makatulog siya sa nakaparadang tricycle sa kalsada. Alas-9 na ng umaga nang magising at iniulat ang pangyayari.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Natagpuang nakadapa ang biktima dala pa ang suman o “ibos”.

Nagpapagaling pa ang binatilyo habang inalala naman ng mga kabarangay ang serbisyo ng opisyal.