PNP Bicol, naka-full alert status na ngayong darating na pasukan ng mga estudyante

BNFM BICOL- NAKAHANDA na ang buong puwersa ng Philippine National Police o PNP Bicol sa muling pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa iba’t ibang mga paaralan sa buong rehiyon. 

Dahil dito naka-full alert status na ang kapulisan upang maiwasan ng kapulisan ang traffic congestion, bulto-bultong mga pasahero sa mga terminal, usapin ng ilegal na droga, mga aksidente at iba pa.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Kaya naman, magde-deploy ang PNP ng mga personahe para ilatag sa mga Police Assistance Desks sa mga paaralan sa kabikolan.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Sa darating na Lunes, July 24, 2024, nakatakda ang unang araw ng klase para sa taong panuruan 2024-2025.  ### KENNETH BERMIL