Pagresolba sa inflation rate, isa lang umano sa dapat na talakayin ng Pangulo sa kanyang SONA mamaya

Naniniwala si Senador Migz Zubiri na isa lang ang pagresolba sa inflation rate sa dapat pagtuunang pansin ng Pangulo kung nais nitong maging parte ng upper-middle-income economy ang Pilipinas pagdating ng 2028.

Kasunod nito, umaasa ang senador na matatalakay sa gagawing State of the Nation Address (SONA) mamaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol dito.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Anya, tiyak niyang makakatulong sa bawat working-class Filipino ang pagsasagawa nito lalo na’t matataas ang presyo ng bilihin ngayon tulad ng bigas.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Samantala, maliban pa rito, inaasahan naman din ng senador na matatalakay ng Pangulo sa kanyang SONA ang tungkol sa pagpapataas ng arawang sahod at pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.