Infrastructure initiatives, labor issues, at paglaban sa korapsyon, ilan sa “wishlist” ng mga kongresista ngayong ikatlong SONA

Umaasa si Iloilo City Representative Jam Baronda na iuulat ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ang mga naselyuhang investments sa mga biyahe abroad.

Ayon kay Baronda, nais niyang marinig ang mga naisakatuparan ng gobyerno matapos ang state visits ng pangulo na magpapaangat sa buhay ng mga Pilipino at magpapalago sa ekonomiya.

Mahalaga aniyang malaman kung paano nakaapekto ang direktiba ni Pangulong Marcos na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga tahanan at kung paano binago ng “Build Better More” flagship program ang mga komunidad.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Hiling din ng kongresista na bibigyang-pansin ng punong ehekutibo ang isyu ng teritoryo at soberanya, ilegal na droga at organized crimes at ang “gaps” o puwang sa kalusugan, agrikultura, edukasyon at turismo.

Para naman kay Rizal Fourth District Representative Fidel Nograles, nais niyang marinig ang mga plano ni Pangulong Marcos sa labor issues na siyang pangunahing hinaing ng mga Pilipino.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Tulad ng New Agrarian Emancipation Act, inaasahan ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na maisasama sa ikatlong SONA bilang bahagi ng priority measures ang mga hakbang na magpapalakas sa sektor ng pagsasaka gaya ng Kadiwa Law, dagdag na post-harvest facilities, farm equipment at mechanization.

Dagdag pa ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, dapat mabigyang-diin ang good governance o mabuting pamamahala at anti-corruption measures na magtataguyod ng transparency at accountability.