Pag tugon sa problema ng maliliit na negosyante sa Naga hiling kay PBBM

NAGA CITY – Nakaabang ang mga negosyante ng Naga City Peoples Mall sa magiging laman ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw dahil sa gusto nilang marinig ang mga ilalatag na solusyon nito sa mga problema na kanilang kinakaharap tulad ng patuloy na pagmahal ng mga bilihin, hindi makontrol na presyo ng gasolina at iba pang mga isyu pang ekonomiya.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Kabilang sa naghihintay ay si Nenita Bulahan, ang presidete ng post to post sa NCPM na batay sa pahayag niya sa Brigada News FM Naga ay lugi-luging na sila ngunit kailangan nilang magpatuloy na magtinda para makaraos sa buhay araw-araw.

Read More:  57-year-old man found dead at quarry site in Lebak

Anya’y dapat na marinig ng pangulo ang hinaing nilang mga maliit na negosyante para mabigyan sana ng tamang solusyon para hindi sila tuluyang malugmok sa kahirapan na sa tingin nila ay doon na sila patungo kung hindi maaagapan ng kasalukuyang pamahalaan.