Bicol Region, pinarangalan bilang 1st Place Cleanest, Greenest And Eco-Friendly sa pagtatapos ng Palarong Pambansa 2024

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Department of Education (DEPED) Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, na bagamat hindi man nanguna ang rehiyon ng Bicol sa mga nakakuha ng maraming gintong medalya sa kakatapos lamang na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City, nasungkit naman ng rehiyon ang 1st Place bilang Cleanest, Greenest and Eco-Friendly sa pagtatapos ng nasabing Palaro.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng opisyal na pagtatapos kahapon ng Palarong Pambansa kung saan pinarangalan ang ilang mga nagwagi sa nasabing kumpetisyon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Humakot ng medalya ang National Capital Region (NCR) na may 98 gold, 66 silver, at 74 bronze medals, sinundan ito ng Region 4A o Calabarzon na mayroong 57 gold, 51 silver, at 53 bronze medlas, at nasa ikatlong puwesto naman ang Region 6 o Western Visayas 56 gold, at parehong may 41 silver at bronze medals.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Maliban pa rito ay pinarangalan naman ang rehiyon bilang Pinaka-Matatag na Delegation at 3rd place Best Billeting School sa Palaro na tinanggap naman ng prinsipal ng Don Sergio Osmeña Memorial HS.

Samantala, nagtapos pa rin ang Bicol Region sa ika sampung puwesto kung saan mayroon itong 14 golds, 15 silver, at Bronze medals.