Suspek sa pagpatay sa isang hotel sa Tagaytay, sumuko na

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa tatlong indibdwal sa isang hotel sa Tagaytay City, Cavite, kabilang ang mag-asawang Australyano na sina David Fisk at Lucita Cortez.

Sumuko ang 31-anyos na suspek sa Tuy, Batangas at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Read More:  8 Cebu PUV personnel test positive in surprise drug test

Ayon naman sa PNP, pagnanakaw at paghihiganti ang motibo ng krimen.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Maalalang natagpuang wala ng buhay ang mga biktima sa loob ng kanilang hotel room noong Hunyo 10, na nakagapos ang mga kamay at paa ng electrical cord at sintas ng sapatos. Tinakpan din ng tape ang kanilang mga bibig.