Mahigit 40 katao sugatan matapos bumagsak sa isang tunnel ang bus na sinasakyan nila sa Spain

Isang bus ang naaksidente sa Pineda de Mar, na may 75 milya ang layo mula sa Barcelona, Spain, at nagdulot ng sugat sa maraming tao at kritikal na kalagayan sa tatlo pang indibidwal.

Ayon sa mga awtoridad, bumagsak ang isang bus na sakay ang mga manggagawa ng Inditex, at na-stuck ito sa labasan ng isang tunnel at halos patayo ang posisyon.

Ang nasabing bus ay bumibiyahe sa pagitan ng Barcelona at Tordera sa Catalonia, at pag-mamayari ng Zara fashion brand.

Tatlong pasahero ang dinala sa mga ospital gamit ang helicopter, habang ang iba ay nakatanggap ng paggamot sa lugar o inilipat sa mga health center.

Tumanggi naman ang Inditex na magbigay ng komento at nag nag-bigay na lamang ng emergency services.

Nagbabala ang mga traffic authority na iwasan ang lugar dahil inaasahang aabutin ng ilang oras ang pag-alis ng bus. (BRIGADA NEWS INTERN JESSA QUIROZ)