OCD-Bicol, handa na sa mga sama ng panahon ngayong tag-ulan

NAGA CITY- Posibleng maging isang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa  silangan ng Mindanao  ayon sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Una nang sinabi ng weather bureau na asahan ang dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo. Sa pagbisita sa Naga City ni OCD Regional Director Claudio Yucot, binanggit nito na handa sila rito. Sa pamamagitan ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA), nalalaman o naaassess kung ano ang maidudulot na pinsala.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Napapanatili naman ng OCD ang pakikipag-usap sa mga LGU at local chief executives kung ano ang mga pangangailangan sa panahon na mayroong kalamidad.