Intensified cleanliness policy, papaigtingin ng bagong pinuno ng PRO2; mga mapapatunayang tiwaling pulis, binalaan

Papaigtingin umano ni PBGen. Steve Ludan, ang bagong talagang pinuno ng Police Regional Office No. 2 ang intensified cleanliness policy kung saan binalaan niya na kakasuhan ang mga mapapatunayang tiwaling pulis na lalabag sa batas.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pormal nang umupo ngayong araw bilang bagongg pinuno ng PRO2 si PBGen. Ludan na tubong Kalinga.

Siya ay kabilang sa PMA “Tanglaw Diwa” Class of 1992 at dating Director Crime Laboratory ng PNP.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinangunahan ni PLtGen Israel Ephraim Dickson, Deputy Chief, PNP for Operations ang turnover ceremony sa pagitan ni Outgoing PRO2 Director PBGen. Crizaldo Nieves at Incoming Director PBGen. Ludan.

Inihayag ni PBGen Ludan ang pasasalamat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Guillermo Eleazar sa tiwala na ipinagkloob sa kanya bilang pinuno ng PRO2.

Aniya, ipagpapatuloy umano nito ang magandang nasimulan ni PBGen. Nieves sa lambak Cagayan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon pa kay PBGen Lugan, bukod sa pagpapaigting ng intensified cleanliness policy ay ipinunto niya na magpapatuloy ang pagbabantay sa 8 focus crimes katulad ng kampanya kontra illegal na droga at insurhensiya.

Samantala, hiningi rin nito ang suporta ng mga miyembro ng PRO2 sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, mga ibat-ibang ahensiya ng gobyerno, sa religious sector, media at iba pang stakeholders.