Aabot sa 500 pamilya sa Camalig, Albay, grumadweyt na sa 4ps

LEGAZPI CITY –  Grumadweyt na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang aabot sa 500 pamilya sa bayan ng Camalig sa probinsya ng Albay.

Ito ang kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan base sa 2023 Social Welfare and Development Indicator (SWDI), ang nasabing mga pamilya ay maituturing nang near poor o transient poor na ibig sabihin ay mayroon na ang mga itong sariling kakayanan na suportahan at itaguyod ang kani-kanilang pangangailangan ngunit kailangan pa rin na may karagdagang karagdagang kita, ipon, insurance lalo na para sa mga hindi inaasahang pangyayari o emerhensya.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan
Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Samantala, inirekomenda naman sa mga grumadweyt na upang maipagpatuloy ang ekonomikal at panlipunang pag-unlad ay maari ang mga itong sumailalim sa skill and livelihoond training, entrepreneurship and micro enterprise support at pagdalo sa mga seminar.