Mga programang makakatulong sa mga magsasaka sa Camalig, Albay, iminungkahi ng Bicol Learning Sites for Agriculture, Inc. sa LGU

LEGAZPI CITY – Iminungkahi ng mga tauhan ng Bicol Learning Sites for Agriculture, Inc. (BLSA) sa lokal na gobyerno ng Camalig, Albay ang kanilang mga programang makakatulong sa mga magsasaka ng bayan.

Katuwang ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute (DA ATI) mayroon itong dalawang pangunahing programa kung saan una ay ang Top 555 initiative, na may layuning bumuo ng plataporma konektado sa agricultural production system sa pamamagitang ng pagtutok sa limang pananim na ang taro, cassava, malunggay, ube, at uraro na lalahukan ng 500 magsasaka at target na makapag-ani ng 500 tonelada kada buwan sa loob ng limang taon

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras
Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Samantala, ang pangalawang programa naman ay ang Farm Build Challenge, na layong bumuo ng positibong impluwensya sa mga kabataan sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.