PH Navy, tinawag na ‘inexperienced’ ang China pagdating sa digmaan

Kasunod ng pag-deploy ng Chinese aircraft carrier sa West Philippine Sea, sinabi ni Navy spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad na kulang ang karanasan ng China sa digmaan.

Saad ng opisyal na marami pang kakaining mga bigas ang mga Tsino dahil hindi pa subok ang kanilang sandahatan.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Bagama’t mas advance ang People’s Liberation Army (PLA) kumpara sa Pilipinas, sinabi ni Trinidad na matatagalan pa bago nila maabot ang operational level ng kanilang aircraft carriers.

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Ipinaliwanag din niya ang taktika ng China at sinabing nagpapakitang gilas lang daw ang mga ito ngunit dekada pa ang kanilang kailangan para ma-perfect ang kanilang naval warfare.