Kinondena ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang tangkang pagpatay kay dating US president Donald Trump sa isang campaign rally sa Butler, Pennsylvania.
Inilarawan ni Duterte ang pamamaril bilang isang “chilling indictment of our times”.
Dagdag pa niya, nagsisilbi itong ‘wake up’ call na kahit dating presidente at isang leading presidential candidate ng Amerika ay hindi ligitas laban sa mga banta.
Napapanahon din aniya ang pangyayaring ito, lalo na’t halos apat na buwan na lamang ay Presidenital Elections na sa Amerika.
Noong 2017, personal na nakilala ni dating Presidenteng Duterte si Trump sa pagbisita ng huli sa Pilipinas para sa ASEAN Summit.
