Chino Trinidad, pumanaw na sa edad na 56

Pumanaw na ang beteranong sports journalist na si Chino Trinidad sa edad na 56-anyos matapos kumpirmahin ng kanyang anak kahapon ng Linggo.

Ayon sa anak ni Trinidad, pumanaw ang mamamahayag noong Sabado ng gabi matapos atakehin sa puso habang papunta ito sa isang meeting.

Maalalang nanilbihan siya bilang commissioner ng Philippine Basketball League mula 2000 hanggang 2010 at nagsilbi rin bilang consultant ng Pilipinas Super Cup.

Noong Mayo, itinalaga naman siya bilang commissioner ng professional billards league na Sharks Billiard Association.