Kush at Marijuana vapes – nakumpiska sa Makati City

Arestado ang tatlo katao sa Bgy. Bangkal sa Makati City matapos makumpiskahan ng kush at marijuana vapes.

Sa ulat ng Makati City Police Station, nagsgaawa ng buy-bust operation ang kanilang operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina alias Jeron, alias Bobby, at alias Kikay.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Nakumpiska sa mga ito ang 410 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P 574 thousand pesos at disposable capes na naglalaman ng suspected marijuana o cannabis oil na nagkakahalaga ng P168 thousand pesos.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap na sa kaso.