P9.5 million pesos na halaga ng iligal na droga – nasabat ng NCRPO sa 1 araw na operasyon

Umabot ng P9.5 million pesos na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng National Capital Region Police Office sa isang araw na ikinasang anti-illegal drugs operation.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Sa ulat ng NCRPO, sa 27 isinagawang operasyon mula July 12 hanggang ngayong araw July 13, nasa 1, 285.543 grams ng shabu ang nakumpiska, 2.5 grams ng Marijuana at 410 grams ng Kush.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng 46 mga suspek.

Nahaharap na ngayon ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.