PNP, may persons of interest na sa pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli nitong boyfriend

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroon na sialng persons of interest sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yatshak Cohen.

Read More:  Marcos calls Malacañang meeting on Super El Niño response

Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, hindi pa sila makakapagbigay ng karagdagang detalye dahil nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Maalalang huling nakita ang dalawa noong June 21 na nagtungo sa Tarlac mula Angeles City, para puntahan ang bibilhing lupa.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Agad namang nakita ang kanilang sasakyan sa gilid ng daan sa Capas na nasusunog, ngunit wala nang nasakay dito.