Kabataan sa Isla Verde, aktibong nakilahok para sa Environmental Youth Action Camp.

Aktibong nakilahok ang sa ginanap na environmental youth action camp ang nasa apatnapu’t dalawang kabataan mula sa mga barangay ng Isla Verde.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maipakita at maipaintindi sa mga kabataan ang tamang pangangalaga at pagpapahalaga sa mga likas na yaman.

Dagdag pa rito, na ang nasabing youth camp ay isang programa sa ilalim ng Verde Island Passage Conservation Program.

Naging sentro sa diskusyon ang mga posibleng panganib na maaring mangyari sa karagatan na malaki ang eprkto sa mga mamamayan.

Samantala, siniguro naman ni Charie Credito, ang community coordinating officer ng prime energy na patuloy nilang susuportahan ang proyekto at programa ng pamahalaan para sa pag-iingat ng kalikasan.