Handang handa nang magpakitang gilas ang 17 anyos na atleta mula Lobo, Batangas para sa inaabangang Palarong Pambansa 2024.
Siya ay si Shane Irish C. Cortas isang grade 11 student ng Lobo, Senior High School at nasungkit niya ang gintong medalya para sa High Jump nppng nagdaang RAAM 2024.
Sa panayam ng Brigarda Batangas kay Shane, nagsimula raw siyang magkainterest sa high jump noong nasa grade 5 pa lamang at sa katunayan sinubukan n’ya lamang ang larong ito hanggang sa nagustuhan na niya.
Ayon sa kanya, sa tulong na rin ng kanyang coach na si Miguel Balmes, araw-araw siyang nag eensayo at nagpapalakas upang hindi matigil at hindi mabaguhan ang kanyang katawan para sa darating na laban.
Para sa kay Shane, pamilya at mga taong naniniwala ang nag-sisilbi niyang inspirasyon dahil sa walang sawang suporta ng mga ito para sa kaniya.
Payo naman ni Shane sa mga kapwa atleta, maging masipag sa lang sap ag-eensayo at pinaka importante sa lahat ay ang magkaroon ng disiplina sa sarili at paglalaro, para magtagumpay.
Sa ngayon ay naghahanda na si Shane para sa pag-alis papuntang Cebu, at doon papatunayan niya na angat ang tunay na galing ng mga Batangueño.