Guo, posible umanong ma-cite in contempt kung dededmahin nito ang inihaing subpoena laban sa kanya

Tiniyak ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na patuloy niyang tutukan ang imbestigasyon hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na siyang kinasangkutan ni suspended Mayor Alice Guo.

Alinsunod nito, matapos hindi dumalo ni Guo sa kamakailang pagdinig ay naghain na siya ng subpoena laban sa nasabing alkalde at maging sa iba pang personalidad na sangkot dito.

Read More:  Atty. Poa ready to testify in Sara Duterte impeachment trial

Anya, kung hindi ito papansinin ni Guo ay hindi siya magdadalawang isip na ipa-cite in contempt ito at ipakulong sa loob ng Senado.

Read More:  OVP proposes ₱785.204 million budget for 2027, 11.7% lower than 2026

Samantala, ginarantisa niya rin na handa rin ang kanilang komite na maglabas ng arrest order kung sakaling magpakita ng pagdedma ang alkalde.

Maalala, ayon sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), lumabas na identical ang fingerprints nina Guo at ng isang Chinese national na si Guo Hua Ping.