Pedicab driver, pinagtataga dahil umano sa galit

Patay ang isang pedicab driver matapos itong pagtatagain ng dalawang lalaki sa Barangay Inabuan, San Francisco, Quezon nitong Lunes, Hunyo 24.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagmamaneho umano noon ng pedicab pauwi sa kaniyang bahay ang biktimang si alyas “Noel”, 49-anyos, nang dumating ang mga suspek saka ito pinagtataga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima matapos ang insidente subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Galit umano ang tinitingnang motibo sa pamamaslang sa biktima.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga tumakas na suspek.