Elf truck na papuntang beach, nahulog sa bangin 5 nasawi habang 16 sugatan

Patay ang limang pasahero habang 16 naman ang sugatan kasunod ng pagkahulog ng sinasakyang elf truck sa gilig ng daan.

Nangyari ang insidente sa Talaingod, Davao del Norte pasado alas-9 ng umaga, Linggo, Hunyo 23.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Ayon sa MDRRMO, sakay sa pulang elf truck ang dalawampu’t limang mga pasahero na papunta sana sa isang beach.

Subalit habang bumabyahe, biglaang hindi gumana ang brake kaya’t nawalan ng kontrol ang driver at nahulog sa creek.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Mabilis na nagtulungan ang mga residente ngunit lima sa mga biktima ang idineklarang dead on arrival.

Nagdadalamhati naman ang mga nawalan ng kaanak.