Tuluy-tuloy ang paghahanda ng PHIVOLCS, at ng iba pang mga ahensya para sa nalalapit na nationwide simultaneous earthquake drill sa June 28.
Ito ay sa gitna ng posibilidad na pagtama ng The Big One.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, sinabi nitong inaasahan nilang maaaring umabot sa mahigit 50,000 ang bilang ng casulaty sakaling mangyari ang magnitude 7.2 na lindol o yung The Big One.
Paliwanag ni Bacolcol, West Valley Fault ang nakikita nilang magdudulot ng malakas na lindol.
Batay sa kanilang pag-aaral, gumagalaw ito kada-400 hanggang 600 taon.
Mula 1658 – ang taon kung kailan huling gumalaw ang naturang fault, tinitingnan ng ahensya posibleng gumalaw ang west valley fault sa 2058 kung ikokonsidera ang 400 years.