Dalawang Pilipino sa Kuwait, nasa kritikal ang kondisyon

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na dalawang Pilipino ang nasa kritikal ang kondisyon matapos masunog ang kanilang tinutuluyang gusali sa Kuwait.

Kinilala ang mga biktimang sina Julio Cabrera Montemayor at Michael Dizon, na parehong nasa intensive care unit sa Adan hospital.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, mahalagang alam nila ang mga impormasyon hinggil sa dalawang Pilipino upang maasikaso agad nila ang mga kinakailangan.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Nakapanayam na rin ng OWWA ang mga pamilya ng foreman at engineer, na napagalamang parehong balik-manggagawa.

Sa ngayon, 49 na ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan dahil sa nasunog na gusali, na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga dayuhan sa Kuwait.