Hindi umano bababa sa 25 libong mga miyembro ng MANIBELA ang lalahok sa ktatlong araw na tigil-pasada simula sa araw ng Lunes.
Ang transport strike ay protesta ng grupo laban sa paghuli sa mga unconsolidated jeepney.
Ayon kay MANIBELA chairman Mar Valbuena, ang NCR ang magiging pinaka concentration ng kanilang magiging aktibidad.
Giit ni Valbuena ayaw nilang magkaroon ng gulo pero hindi aniya ito maiiwasan kung gagamtin ang pwersa ng gobyerno para pigilan ang kanilang aktibidad.
Kaugnay nito, humingi ng pasensiya si Valbuena sa maaapektuhan commuters gayundin sa mga drivers at operators.