NSC, binatikos ang NDFP sa pagpuna nito sa state visit ni Zelenskyy

Binatikos ng National Security Council (NSC)  ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa mga akusasyon nito na ang gobyerno ng Pilipinas at Ukraine ay mga “puppet regimes” ng Estados Unidos.

Iginiit ng NDFP na ang kamakailang pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Malacañang ay bahagi ng mga disenyo ng digmaang imperyalista ng Amerika.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dinepensahan naman ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya ang Pangulo at sinabing isinusulong lamang nito ang pambansang interes sa girna ng mga ilegal, mapilit, agresibo, at mapanlinlang na aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Matatandaang sandaling bumisita sa Maynila si Zelenskyy para imbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang peace summit na gaganapin sa Switzerland ngayong buwan.

Sa kanilang pagpupulong noong Lunes, tinalakay ng dalawang lider ang bilateral na kooperasyon, partikular ang Ukrainian agricultural exports sa Pilipinas.