Mahigit 88 milyong Pilipino, nakapag-register na para sa national ID

Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na halos 88 milyong Pilipino na ang nakapag-rehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID.

Ayon kay Deputy National Statistician Fred Sollesta, malapit na nilang maabot ang 92 milyon target ng gobyerno bago matapos ang 2024.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Kaya naman hinihikayat ng PSA ang mga hindi pa nakakapag rehistro upang kanila ring maranasan ang mga “advantages” o benepisyo ng national ID.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Giit kasi ni Sollesta, ang PhilSys ID ang magiging pinakamatibay na verification ng identity ng isang Pilipino.