DOH – kinumpirmang nakapasok na sa bansa ang FLiRT variant

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 30 kaso ng mga subvariants ng COVID-19 sa bansa, kabilang na ang KP.2, ‘o ‘yung tawagin ay ‘yung ‘FLiRT’ variant.

Sa latest sequencing – nalamang dalawa, mula sa 30 cases ay mga KP.2 variants.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Sa ngayon, apat pa rin ang ‘variants under monitoring’ o VUM, kabilang na ang JN.1.7, JN.1.18, KP.2 at KP.3

Sa kabila nito – muling idiniin ng DOH na wala pang ebidensiyang makapagsasabi na magdudulot ng malala o kritikal na COVID-19 ang KP.2 at KP.3 infections.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Unang nakakolekta ng samples noong Mayo, pero ‘di pa agad ito makumpirma dahil sa limitadong sequencing.

Paalala naman ng DOH – pinakaepektibong paraan pa rin para labanan ang mga sakit ay ang ‘good respiratory hygiene’ gaya ng pagtatakip ng bibig t’wing umuubo, paghuhugas ng kamay, at pagtitiyak ng sapat na bentilasyon.