Dahil hindi binigyan ng ulam – kuya, tinaga sa mukha ang kapatid

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos nitong tagain nang dalawang beses ang kanyang nakakabatang kapatid dahil hindi umano siya nito binigyan ng ulam sa Cebu City.

Sa panayam ng Brigada News FM CEBU sa suspek, sinabi nito na dahil nakaramdam siya ng labis na gutom, humingi siya ng ulam na sardinas na nilagyan ng itlog sa kanyang kapatid.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Ngunit sa halip na bigyan, ay pinagalitan siya ng bikitma at pinagsalitaan pa raw ng masama.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Dahil nasaktan umano siya sa nangyari, ay hindi niya napigilan na tagain ang mukha ng kapatid ng dalawang beses gamit ang walong pulgada na butcher knife.

Hindi naman umano pinagsisihan ng suspek ang kanyang nagawa kung saan, mamaharap ito sa kasong attempted parricide.