7 anyos na bata, nasawi sa nilalarong plastic straw rope

Binawian ng buhay ang isang 7-anyos mula Canlaon City, Negros Oriental matapos masakal sa nilalarong plastic.

Ayon sa ina ng bata, naglalaro lamang si Alyas Lyn sa labas ng bahay ngunit nang hanapin nakitang namumutla ang anak habang nakapasok ang leeg sa plastic na nasa dingding.

Sinubukang iligtas ang bata ngunit binawian na ng buhay.

Ayon sa pulisya, may pinatungan na mataas na bagay ang bata at posibleng nadulas ito habang pinapasok ang ulo sa plastic.

Nilinaw naman ng ina na hindi nya napagalitan ang anak taliwas sa kumakalat na impormasyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matiyak na walang foul play sa nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *