Matapos ang pagkaka-aresto sa 7 Chinese sa Batangas – BI, hinimok ang publiko na i-report ang mga illegal aliens

Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga residente ng Batangas at kalapit pa nitong mga lugar na i-report agad sa kanila ang mga illegal aliens.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, maaaring iulat sa kanila ng publiko ang mga illegal aliens sa service caravan sa probinsya simula June 7.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Sa naturang caravan, nagbibigay umano ang ahensya ng mabilis na proseso para sa ilang mga serbisyo gaya ng tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang transactions.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa huli, inabisuhan ng BI ang mga residente na maging mapagmatiyag at i-report agad ang mga kahinahinalang aktibidad ng mga dayuhan na makakasalamuha.

Mababatid na noong nakaraang linggo, naaresto ang 7 Chinese nationals na napag-alamang ilegal na nagtatrabaho sa isang quarrying site sa Taysan, Batangas.