8 Pulis na nakatalaga sa CSPPO positibo sa COVID-19

NAGA CITY –Walong pulis na naka-assign sa Camarines Sur Police Provincial Office ang nagpositibo sa COVID-19.

Agad namang naka-isolate sa kani-kanilang quarters sa Concepcion Grande Naga City ang naturang mga pulis.

Kinumpirma ito sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Michael Oliva na ayun sa kanya ay binigyan din nila ng ayuda galing sa barangay noong araw ng Linggo.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nabanggit pa ng kapitan na nagkausap na sila ni Police Provincial Director PCol. Bernardo Perez hinggil sa mga dapat na maging health protocol sa loob ng kampo pag ganitong may nagpopositibo sa virus na mga pulis.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang mga pulis na ito ay pawang nahawaan lamang ng virus dahil sa kanilang field works.

Sa ngayon 20 na ang active cases ng COVID-19 sa Barangay Concepcion Grande na kung saan may mga estudyante ring may virus.