50% ng mahigit 1k COVID beds sa Bicol, okupado ngayon

BICOL—Umaabot sa 515 ng kabuuang 1,021 hospital beds para sa COVID-19 ang okupado ngayon sa Bicol region.

Katumbas ito ng 50% utilization rate base sa pinakahuling Health care utilization report ng Department of Health (DOH) Bicol.

47% ng isolation beds ang okupado, 49% naman sa COVID ward, 56% ang ginagamit sa mga mechanical ventilators habang nasa high risk ang utilization rate sa mga ICU beds dahil 80% nito ang okupado.

Sa Bicol Medical Center sa Naga City, 70% o 98 sa 140 Covid beds ang ginagamit; 81% sa isolation beds; 42% sa COVID ward; 72% sa mechanical ventilators habang nasa critical level naman ang ICU beds na may 88% utilization rate.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa Bicol sanitarium, 25 beds sa kabuuang 64 dedicated beds ang ginagamit o nasa 39%; 8% naman sa isolation beds; 25% sa mechanical ventilators; moderate risk sa ICU beds na may 67% habang nasa high risk ang COVID ward dahil sa 83% utilization rate.

Sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH), 74% ang ginagamit ngayon sa mga COVID-19 dedicated beds o 69 sa 93. Nasa critical risk ang mechanical ventilators usage na nasa 89%; 84% sa ICU beds; 77% sa COVID ward at 56% sa isolation beds.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa iba pang mga health facilities sa rehiyon, nasa 65 beds ang okupado sa kabuuang 156 dedicated beds sa Albay o katumbas ng 42% utilization rate. 42% naman sa Camarines Sur o katumbas ng 26 sa kabuuang 62 dedicated beds. 36% sa Catanduanes o 22 beds sa kabuuang 61; 52% sa Masbate o 22 sa kabuuang 42 beds; 53% sa Sorsogon o 95 beds sa kabuuang 180 habang 37% sa Naga City o nasa 34 sa kabuuang 93 dedicated COVID-19 beds.#