DOT Bicol hinimok ang City LGU na suportahan ang mga festival na inisyatiba ng mga barangay

Hinikayat ng Department of Tourism Bicol ang Lokal ng Pamahalaan ng Lungsod ng Sorsogon na suportahan ang mga festivals na inisyatiba ng mga barangay.

Sa mensahe ni DOT Regional Director Herbie Aguas sa ginanap na launching ng Tahong Festival sa Barangay Pamurayan, sinabi nito sa mga Konsehal nadumalo sa aktibidad na suportahan nila sa pamamagitan ng Ordinansa ang mga kahalintulad na Tahong Festival.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Aniya, isang karangalan din sa isang LGU na makilala ang nasasakupan nitong barangay na nagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Pinuri ng opisyal ang Barangay Council ng Pamurayan sa pagsasakatuparan ng kauna-unahang Tahong Festival sa kanilang lugar.