Inamin ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na nagulat siyang mayroong resolusyon ang Tarlac hinggil sa mahigpit na pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa naturang lugar.
Ito ay matapos banggitin ni Tarlac, Governor Susan Yap na matagal na silang mayroong resolusyon hinggil dito mula pa noong 2021.
Alinsunod nito, ipinapasumite sa Senado ni Gatchalian ang kopya na ito upang kanilang makita at mapag-aralan kung may paglabag nga bang nagawa sa sarili nilang resolusyon si Mayor Alice Guo.
Samantala, kinumpirma naman din niyang sa susunod na linggo na nakatakda ang kanilang executive session kasama ang ilang ahensya upang mapag-usapan ang ilang sensitive information na hindi pwedeng ibahagi sa publiko.
Anya, sa gagawing session ay hindi muna rin nila iimbitahan si Guo dahil maaring ongoing pa ang ilang investigation at may threat sa national security na mapag-usapan.
Maalala, matapos ang nakaraang pagdinig ay hiniling ng ilang ahensya ng gobyerno ang pagsasagawa ng executive session upang mailatag ang kanilang nakalap na impormasyon.