Naghahanda na ang ilang mga mangingisda sa Zambales para sa kanilang gagawing ‘collective fishing expetition’ ngayong hapon sa West Philippine Sea.
Ayon sa grupong PAMALAKAYA – bahagi ito ng kanilang protesta sa ipinatutupad na four-month fishing ban ng China.
Ayon kay PAMALAKAYA national vice chairperson Ronnel Arambulo – sasama ang nasa 20 maliliit na bangkang pangisda sa kanilang fisihing expedition.
Ngayong hapon ay maguumpisa ang kanilang misyon sa pamamagitan ng isang misa.
Gabi naman ay magkakaroon sila ng fishing expedition 20-30 nautical miles mula sa Masinloc.
Bukas ng umaga makababalik ng dalampasigan ang grupo.
Matatandaaang kinundena na ng Gobyerno ng Pilipinas ang ipinatupad na unilateral fishing ban ng China.