Ilang delinquent employer sa Camarines Norte na nabigong mag-comply sa notice of violation iniakyat na sa legal department

CAMARINES NORTE – Iniakyat na sa legal department ng Social Security System (SSS) Luzon Bicol Division ang ilang delinquent employer sa Camarines Norte na bigong mag comply sa isinilbing notice of violation.

Ayon kay Myrna Emata, Head ng Accounts and Management Section ng SSS Daet Branch sa limang naunang Run After Contribution Evader (RACE) operations ngayong taon anim na employer ang iniakyat na sa legal department at mayroon pang anim din na “for referral.”

Read More:  17-year-old student caught with suspected marijuana during school inspection in Bacolod

Sa P1.4 million na collectibles sa limang RACE operations nakakolekta ang SSS ng nasa P221, 380.

May mga employer na ring nag comply sa non registration violation, may sampung nag partial payment at mayroon pang siyam na “awaiting compliance,” na kung sakaling mag “due for referral” ay agad umanong iaakyat din sa legal.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Nakapagsagawa na ang SSS ng anim na RACE operations ngayong taon sa Camarines Norte at ang pinakahuli ay noong May 23.